Saturday, April 17, 2010

Instrumentalist

Gusto kong matutong tumugtog;maggitara, magpiano, magviolin, mag drums pero hindi ko ito talaga talent kaya ata hirap akong aralin.
Nakakainggit di ba na maipalabas mo ang emosyon mo gamit ang musika, maparamdam ito ng hindi sinasabi.Hindi kasi kailangang sabihin palagi, minsan mas madaling intindihan ang musika.

Friday, April 16, 2010

Movie maker

Kung gagawa ka ng pelikula, tungkol saan ito?

Thursday, April 15, 2010

Ulo o Katawan

Pag naliligo ka, ano inuuna mo, ulo o katawan?
May taong nilalamig agad ang katawan kaya inuuna ang ulo at meron namang ayaw mauna ang ulo dahil naiirita agad oras na malamigan nag ulo.
Kung saan ka komportable, madalas doon ka.
Pero pwede mong subukan na pagpalitin.
Subukan mo lang.

Wednesday, April 14, 2010

ID Picture

Nakita ko kanina ang id picture ko, compilation ng mga id's.
Nakakatawa pala, lalo na pag binalikan mo ang kwento nito.
At naging kwento ng buhay mo sa paaralang iyon.

Noong umalis ka,
inalis mo rin ba ang natutunan mo
o bitbit mo ito hanggang ngayon?

Tuesday, April 13, 2010

sino ang iboboto mo?

Anong kulay ang bitbit mo?
Ano ang mahalaga sa'yo?
Narinig mo na ba o nabasa ang plataporma nila?

Ano ba ang nais mo sa bansa?
Ano ba ang tingin mo dito?
Nasaan tayo?

Marami ang sumisigaw ng pagbabago?
Isaalang-alang mo kung may kakayahan nga sila.
Huwag pabigla-bigla.

Ano ang kailangan ng bansa?
Kaunlaran?
Pagkilala ng mundo?
o dignidad?

Monday, April 12, 2010

Best Friend

Siya ang angel mo.

Sunday, April 11, 2010

Tomas

Ikaw ba si Tomas?
kailangan mo pa bang makita upang maniwala?
Naniniwala ka ba dahil nakikita mo o naniniwala ka dahil nararamdaman mo?

Kung sakaling ang nakikita mo lang ay puro kahirapan, lunos ng sakit at walang hanggang paghihirap, maniwala ka sa magandang bukas maging ito ay hindi maabot ng tanaw upang makalaya ka sa pinanggagalingan mo.
Hindi mo man nakikita ang bukas, maniwala ka na darating ito.

Saturday, April 10, 2010

Share your blessings!

Kung may konti ka ngayon
huwag mong ipagkait
maaaring dumami yan
depende kung hanggang saan at gaano karami
ang handa mong ibigay.
Dahil ang kaunting biyayang iyan
ay hindi binigay sayo para ubusin
kundi para paramihin
sa pamamagitan ng pagbabahagi.
Huwag kang mangamba at magduda sa kabutihan ng Diyos.
Manalig ka.

Friday, April 9, 2010

Kagitingan

Malaya ka ngayon.
Hindi kahapon,
hindi noong nakaraang malayong panahon
at maaaring hindi bukas.

Malaya ka ngayon
dahil sa kagitingan ng mga ninuno mo
dahil sa dugo nilang binuwis
dahil sa tapang at pag-aasam ng kalayaan

Malaya ka ngayon
hanggang kailan
kung mananatili kang bulag at walang pakiramdam
kung wala kang pakialam sa lipunan?

Thursday, April 8, 2010

sabaw

Masarap kumain kung may sabaw. Tinutulungan nitong hindi mabigla ang bituka. Sinasamahan nito ang pagkain na dahan-dahang madurog. Tinutulungan nitong ganahan tayo sa pagkain.
Hindi kumpleto ang pagkain ko nang walang sabaw.

Sabaw, sabaw, sabaw!

Minsan hinahalintulad ang pag-iisip na sabaw. Kung wala kang masabing tama, kung tuliro o kung hindi ka makapag-isip. Dahil siguro hindi kumpleto ang pagkain kung sabaw lang.
Hindi kumpleto ang pagkain kung walang sabaw. Hindi rin naman maaaring kumain palagi ng sabaw lang.

Ganyan ang buhay, may magpapasaya sa'yo pero hindi nakadepende dito ang kaligayahan mo.

Wednesday, April 7, 2010

drink alcohol

Minsan kailangan ng katawan ng alkohol. Bonding at pagrefresh ng ating mga unti-unting nasisirang samahan dahil sa stress at pagod. Siguro dahil inilalabas ng alkohol ang totoo nating nararamdaman, ang kabutihan para sa isa't-isa. Hindi ba't alkohol din ang ginamit ni Kristo bilang inumin sa huling hapunan?
Gayunman, drink moderately, just be happy.

Tuesday, April 6, 2010

kurtina

Anong gamit mong kurtina? Anong disenyo? Anong kulay?
Sa akin, hindi mahalaga kung ano ang itsura nito, ang mahalaga, naikukubli nito kung anong meron sa loob. Nahaharangan niya ang liwanag sakaling gusto ko ng madramang ilaw ng kwarto ko.

Monday, April 5, 2010

Dance to death

Kung masaya ka, ipakita mo. Huwag kang mahiya, huwag kang mag alangan. Ialabas mo ang nararamdaman mo, ang kasiyahan sa puso mo. You deserve that happiness so dapat lang na ilabas mo.

Sunday, April 4, 2010

Umagang Kay Ganda

Damhin mo ang tagumpay mula sa paghihirap, sakit at mabigat na pagsubok. Gumising ka, tuyo na ang luha, bumangon ka at hagkan ang bagong umaga. Hindi laging kalungkutan, hindi puro suliranin, ang lahat ng yaon ay patungo sa umagang kay ganda.

Saturday, April 3, 2010

waiting in vain

Matapos ang mahabang kalungkutan, naiipit ka sa isang araw o panahon ng kawalang katiyakan. Maghihintay ka at aasa sa napakaraming sana.

Sana bumalik siya, sana hindi nangyari yun, sana magtagumpay siya, sana ako na lang at marami pa.
Gayunman, lagi namang may umagang naghihintay. Gaya ng bukas.

Friday, April 2, 2010

Balabal

Ang katawan mong pagod at bugbog ay kayang hilumin ng isang balabal. Hindi ito takip ng iyong pagkatao, ni hindi nito kayang magbigay ng init pananggalang sa lamig ng gabi subalit kaya nitong pahirin ang iyong luha at sabihing bukas ay babangon ka.Kaya ng balabal na ibangon ang iyong pagkatao, kaya nitong samahan ka kung iwan ka na ng lahat.