Sunday, January 31, 2010

Go and cross the bridge

Kilala mo si Janus? Dalawa ang mukha niya. Isang nakaharap sa likod at isa sa harap. Isang nakatingin sa nakaraan at isa sa hinaharap. Yan ang kwento ni January.
Binabalikan mo ang nakaraan pero siyempre kailangan mong mag move forward.
Isa lang ang kailangan  mong gawin to move forward. Start with One Step.
Dahil bukas Pebrero na.  Wala na si January. Opisyal nang hindi na bagong taon.
Nakamove-on na ang kalendaryo. Ikaw na lang ata ang hindi pa. Kung hindi ka magmomove on, hindi ka aabot sa valentines. Loser!

Saturday, January 30, 2010

Wanderer

Balloons, dirty ice cream, clown, magicians… ang sarap maging bata!
Lahat kasi bago, lahat iniisip mo kung paano nangyayari. Nakakamangha!
Yun naman talaga ang dahilan kung bakit masarap maging bata, naaappreciate natin yung maliliit na bagay na sa atin ngayon e walang saysay.
Kung may anak ka o pamangkin ka, habaan mo pasyensya mo. Minsan ka rin naging bata. Hayaan mong matuklasan niya ang ganda ng buhay. Hayaan mo siyang matuto. Huwag kang matakot kung masasaktan siya. Parte yun ng paglaki niya.
Don’t deprive her to learn on her own. Don’t feed her too much information, she doesn’t need that.
Akala mo lang natututo siya sa yo. The best time to teach her is when she asks questions. Yun ang gusto nilang malaman, yun ang mga bagay na nakakamangha sa kanila.
Kaya nga tayo, hirap nang matuto. Hindi na kasi tayo madaling mamangha. Talino mo kasi!

Friday, January 29, 2010

You are Beautiful

Kilala mo ba si Vice Ganda?
Nakakatawa siya.
Hindi naman dahil sa itsura niya, infact hindi siya gumagamit ng old joke, hindi slapstick, ang humor kasi niya laging base sa way of life. Sa buhay nating mga pinoy. Kaya nakakarelate tayo. Di ba nga, kilala tayong masayahin, tinatawanan na lang natin ang problema.
Friday ngayon. Magcomedy bar tayo!
Pero kung busy ka o kaya naman ay wala kang pera. Makipagbonding na lang at simulan ang no negative conversation. Puro masasaya lang ang pag-usapan. Iwan ang kasama o wag invite ang mga negatron, yung bitter, puro negative ang sinasabi. Erase, erase, erase. Masarap maging masaya!

Thursday, January 28, 2010

Your Story

Kelan ka huling nakatanggap ng sulat na may stamp? Nasanay ka na kasi sa email, kung may snail mail ka man, malamang e bill yan at tatak na ang nakalagay, wala ng stamp.
Siguro meron akong mga 10 bondpaper na punong puno ng stamp. Nakakatuwa kasi. Maliliit na papel pero may kwento. Nakadrawing doon ang mga tao, hayop, bulaklak o minsan mga events na mahalaga.
Ang stamp, isang art piece, isang history piece. Nabebenta ng mahal ang mga stamp, habang tumatagal kasi, tumataas ang value niya.
Ang stamp parang chapter ng buhay mo. Kwento ng isang araw mo.
Worth bang ilagay sa stamp ang bawat araw mo? Paano mo ba ginagamit ang oras? O baka isang Linggo lang ang lumipas ay limot mo, limot na ng mga kasama mo?
Tara, gawa tayo ng makabuluhang bagay para sa araw na ito.
Gaya ng paggawa ng bata! Joke. Masyado ng seryoso, ang OA na.

Wednesday, January 27, 2010

Hourglass

Miyerkules ngayon. Lahat abalang papasok. Kalagitnaan ng linggo. Nakatingin sa malayo. Subukan mong pagmasdan ang mukha ng mga taong naglalakad. Very busy di ba? Kala mo nasa new york! Para bang may hinahabol na oras. Parang may pwersa na pag ganitong oras kailangan pumunta sa ganitong lugar. Ang totoo, hawak sila ng oras, ikaw, hawak ka rin ba ng oras o hawak mo ang oras mo? Hanggang Kelan?
Ooopps, napapaisip. O siya, gawin mo muna yang ginagawa mo dahil im sure hindi mo hawak ang oras mo.

Tuesday, January 26, 2010

Think about Investment

Wag kang mag-alala, malapit na ang sweldo. Konting tiis na lang at makakagimik ka na naman. Or dahil bagong taon, instead na isipin mo ang pagkakagastusan, bakit hindi mo isipin kung ano ang kaya mong itago – oo, magsave ka naman ngayon. Kahit 10% lang ng sweldo mo. Para lumago ang pera, pwede kang magbangko, o kaya sumali sa coop, pwede rin sa group paluwagan sa opisina na ipinapautang ang pera niya para lumago naman ang pera nyo.

Monday, January 25, 2010

Yellow Day!

Birthday ni Cory Aquino. You don’t need to wear yellow. Balikan mo ang panahong Edsa Revolution? Bahay ka na ba noon? Nasaan ka? Kanino ka? Kung hindi pa, ano sa palagay mo ang magiging stand mo?
Peace loving daw si tita Cory, so siguro to celebrate her birthday, make peace. Ngitian mo naman yang kasakasama mo na lagi ka na lang iniirapan at sinisiraan sa ibang tao. For a change diba?

Sunday, January 24, 2010

Boboto ka ba?

Ano ang LSS mo o last song syndrome?  Eto ba?

nakaligo ka na ba sa dagat ng basura?nagpasko ka naba sa gitna ng kalsada yan ang tanong namin tunay ka bang isa sa amin malaman mo na ba mapapagaral ka nya tutulungan tayo para magkatrabaho at ang kanyang planoy magkabahay tayo si villar ang tunay na mahirap si villar tunay na may malasakit si villar ang may kakayahan at... gumawa ng sariling pangalan si manny villar ang magtatapos ng ating kahirapan....
amoy na amoy na ang eleksyon. Wag sayangin ang boto, pag-aralan mo na kung sino ba ang iboboto mo. Ano nga ba ang criteria mo sa pagboto? May nagawa sa bayan? May magandang reputasyon ang pamilya? Kababayan mo? Mukhang hindi  manloloko? Umasenso sa buhay kaya baka mapaunlad ang bayan? Ano nga ba ang dinidikta ng konsensya mo? Pera, pera pera o yung taong mag-aangat ng dignidad ng bayan?

Saturday, January 23, 2010

What’s in a name?

Alam mo ba ibig sabihin ng pangalan mo? Alam mo rin ba ang dahilan kung bakit yan ang ipinangalan sayo? Pinagmasdan mo ba kung anu-ano angnakasulat sa birth certificate mo? Ikwento mo nga..

Meron lang daw tayong isang pangalan. Minsan mahirap linisin ang pangalan, mahirap mabahiran pero alam mo ban a hindi ikaw ang pangalan mo? Ang pangalan mo ay hindi katumbas ng dignidad mo?

Pwede mong hindi malinis ang pangalan mo pero pwede mong maibangon ang dignidad mo.

Ano man ang kwento ng pangalan mo, welcome to the world!

Friday, January 22, 2010

Save money

Magsave ng pera. May bigla kang pagkakagastusan bago matapos ang linggo.

Thursday, January 21, 2010

It’s a date!

Eksaktong 3 linggo na lang at Valentines Day na. Magpabook na pero kung wala pang dyowa, bumuking – you know…. booking. Maghanap ng jojowain kung wala pa, kung meron na, pakabait ka muna. May oras ka pa. Go! Go! Go!

Wednesday, January 20, 2010

Do something.

Kapag hiwalay-hiwalay. Wag mo ng balikan pa. Masaya na siya. Moving on ang tema. Kung wala kang karelasyon, tumayo ka sa kinauupuan mo, magtrabaho ka naman. Kung estudyante ka, magrecite ka naman. Sayang ang matrikula mo.

Tuesday, January 19, 2010

Anong chismax?

Alam mo ba ang kwento ng kasamahan mo? Dyowa siya ng kasama mo rin dyan.  Pansinin mo ang tinginan nila. Secret lang ha, pero may milagro silang ginagawa. Guess who?!!!

Monday, January 18, 2010

Lucky Day!

Perfect 10! Magandang araw para gawin ang bagay na hirap kang gawin noon pa. Subukan mong gawin ngayon at magagawa mo.

Sunday, January 17, 2010

Redesign your room

For a change, ibahin mo ang ayos ng kwarto mo. Magpalit ng punda ng unan. Ng display at picture sa photoframe. Paint your room a new story.

Saturday, January 16, 2010

Number?

May nakaalala sayo. Old friend. Ipikit mo ang mata mo, kung sinong unang sumagi sa isip mo, siya yun.

Friday, January 15, 2010

Travel and discover

Mag-isip ka ng isang lugar na gusto mong puntahan within the year. I schedule mo na. Magandang petsa ngayon para iplano ang mga travel plan mo. I suggest, do it alone, travel alone. Discover places at the same time, discover yourself more.

Thursday, January 14, 2010

Check your inbox

Check mo naman ang inbox ng phone mo. Baka oras na para magdelete. Basahin mo rin isa-isa. Baka may mga concerns ka na nalimutan mo. I’m sure meron dyan na mahirap i erase. Idelete mo na. pakawalan mo na siya. Yun lang ang magpapalaya sayo. You’ll feel secured after, believe me, you’ll feel relieved.

Wednesday, January 13, 2010

Build your house

Kelan ka huling nag sketch ng bahay, try mo kayang magdrawing. Anong bahay ang gusto mong tirhan? Itago mo lang. ipost mo sa isang lugar na lagi mong nakikita. Unti-unti magkakakulay yan, mabubuo.

Tuesday, January 12, 2010

Check you mails

Linisin mo ang email mo. Wag mo ring kalimutang basahin ang mga nasa sent folder. Reminiscing. Tignan mo kung paano nito binago ang isang araw sa buhay mo.

Monday, January 11, 2010

Birthday Directory

Tanungin mo kung ano ang birthday ng mga kasamahaan mo. Isulat mo isa-isa. Sigurado, may matutuklasan ka.

Sunday, January 10, 2010

Feed your Soul

Basahin ang our daily bread. Maikli lang yan kaya basahin mo na rin yung whole week, siguradong hindi mo na naman mababasa yan dahil lagi kang nagmamadali at lagi kang late. Matapos magbasa, tumahimik sandali at isipin kung may natutunan ka. Pakiramdaman din kung may dating ba sa iyo ang kwento. Kung wala, mag insenso ka, masyado ng makapal ang kasamaan mo at namamanhid ka na.

Saturday, January 9, 2010

Run Tuna Run

Magluto ka ng dinner. Mag imbento ng bagong putahe gamit ang century tuna hot and spicy. Kapag nagawa mo yan ng tama, darating si Derek Ramsey. Masusurprise ka!

Friday, January 8, 2010

Meeting of stars

Nakatakda ang mga bitwin nyo ngayon, kailangan mo siyang makita, kung hindi, okay lang, meron ka pa naming lucky day next month. Relax.

Thursday, January 7, 2010

Unexpected Call

Makakatanggap ka ng tawag, huwag kang lilingon kasi sa telepono mangaggaling ang tawag. Huwag ka agad magpakilala, mga pinagkakautangan mo yan, buhay na naman sila. Singilan na.

Wednesday, January 6, 2010

Dress to Impress

Pag-isipang mabuti ang isusuot mo, dyan nakasalalay ang araw mo ngayon. Wear something yellow kung gusto mo na maging masaya, black kung gusto mong maging feeling sophisticated, Red kung gusto mong may arrive, blue kung gusto mong magpakalow profile at wear nothing kung gusto mong mag stand out!

Tuesday, January 5, 2010

What’s the News

Manood ng balita, para bukas may pandagdag kwento ka sa break. Seryosong araw ngayon. Bawal ngumiti. Kunyari busy, kunyari naiintindihan mo ang sinasabi nila, kunyari  productive ka.Pagtinanong ka at hindi mo alam, hiramin mo ang linya ni kimidora “i'll look into it. i'll get back to you on that. i'll give you an update!"

Monday, January 4, 2010

Update your friends

Pasukan na. Isipin mo na ang mga ikukwento mo, isang araw lang ang inilaan ng opisina nyo para sa mga kutakot takot na update at kwentuhan ng mga empleyado, oo maniwala ka, alam ng mga boss nyo na holiday mood pa rin kayo. In fact sila rin. Hindi lang halata dahil  naka enclosed sila sa cubicle nila kaya hindi nyo alam na busy rin sila sa pagtunganga.

Sunday, January 3, 2010

First Sunday of the Year

Magsimba ka. Ipagdasal mo na rin na hindi ka na magbababad sa kasalanan ngayon taon. Kung hindi ka nakagawa ng new years resolution, ngayon mo gawin, magsumpaan kayo ni Lord. Kumuha ng papel, doon mo isulat, sunugin at hayaang umabot sa langit ang usok. Kung hindi mo man magawa, atleast walang evidence di ba? Nasunog mo na eh.

Saturday, January 2, 2010

Prepare for the week

Lumakad na ang araw, nakahilata ka pa rin.
Ihanda na ang sarili sa pagpasok sa Lunes. Buksan ang notebook, balikan kung ano ang naiwang gagawin, hindi yung bukas ka pa magka cram, bagong taon na, magpakita ka naman kahit konting pagbabago, delicadesa sa nakaimbento ng kalendaryo.

Friday, January 1, 2010

Manigong Bagong Taon!

Huwag munang magsulat ng new years resolution, kahapon mo pa dapat ginawa yan.
Maglaba ng kurtina, pihadong nangitim na sa usok ng bagong taon.
Simulan ang pagbabasa ng horoscope at mga hula ni Jojo Acuin.
Huwag pagdiskitahan ang salad sa freezer, hindi agad masisira yan, pero tyak ang figure mo masisira kung lalamon ka ng lalamon. Mag exercise ka.

The World News

Kanina pinapanood ko ang balita, kung ano na ang nangyayari ngayon sa iba't-ibang bahagi ng mundo. Wala akong narinig maliban sa karasahan, kaguluhan, gutom, climate change, halos wala akong nabalitaang maganda.
Hindi ito ang mundong kilala ko. Hindi rin ito ang mundong nais mong tirhan. Nilipat ko ang channel.
Sa isip ko, sino ba sila na nagfoforum ngayon, sila na kumikitil ng buhay dahil sa paniniwala, sino sila na nag-uusap para sa kalikasan, sila na nagbibigay payo para sa pag-unlad?
Kaya nga ba nilang hawakan ang mundo, pwede ba natin itong ipagkatiwala sa kanila.
Naisip ko, kahit naman ako, hindi ko hawak ang mundo, ni ang buhay ko, hindi ko ganap na hawak. Hindi kasi ako ang mundo, hindi tayo dahil hindi ito atin. Nauna na ang mundo sa atin at pihadong wala na tayo ay narito pa rin ang mundo. Hindi natin masabi kung ang mga naisip natin ngayon o mga ginagawa ay pahahalagahan o may kabuluhan pa para bukas.