Friday, January 1, 2010

The World News

Kanina pinapanood ko ang balita, kung ano na ang nangyayari ngayon sa iba't-ibang bahagi ng mundo. Wala akong narinig maliban sa karasahan, kaguluhan, gutom, climate change, halos wala akong nabalitaang maganda.
Hindi ito ang mundong kilala ko. Hindi rin ito ang mundong nais mong tirhan. Nilipat ko ang channel.
Sa isip ko, sino ba sila na nagfoforum ngayon, sila na kumikitil ng buhay dahil sa paniniwala, sino sila na nag-uusap para sa kalikasan, sila na nagbibigay payo para sa pag-unlad?
Kaya nga ba nilang hawakan ang mundo, pwede ba natin itong ipagkatiwala sa kanila.
Naisip ko, kahit naman ako, hindi ko hawak ang mundo, ni ang buhay ko, hindi ko ganap na hawak. Hindi kasi ako ang mundo, hindi tayo dahil hindi ito atin. Nauna na ang mundo sa atin at pihadong wala na tayo ay narito pa rin ang mundo. Hindi natin masabi kung ang mga naisip natin ngayon o mga ginagawa ay pahahalagahan o may kabuluhan pa para bukas.

No comments:

Post a Comment