Saturday, April 17, 2010

Instrumentalist

Gusto kong matutong tumugtog;maggitara, magpiano, magviolin, mag drums pero hindi ko ito talaga talent kaya ata hirap akong aralin.
Nakakainggit di ba na maipalabas mo ang emosyon mo gamit ang musika, maparamdam ito ng hindi sinasabi.Hindi kasi kailangang sabihin palagi, minsan mas madaling intindihan ang musika.

Friday, April 16, 2010

Movie maker

Kung gagawa ka ng pelikula, tungkol saan ito?

Thursday, April 15, 2010

Ulo o Katawan

Pag naliligo ka, ano inuuna mo, ulo o katawan?
May taong nilalamig agad ang katawan kaya inuuna ang ulo at meron namang ayaw mauna ang ulo dahil naiirita agad oras na malamigan nag ulo.
Kung saan ka komportable, madalas doon ka.
Pero pwede mong subukan na pagpalitin.
Subukan mo lang.

Wednesday, April 14, 2010

ID Picture

Nakita ko kanina ang id picture ko, compilation ng mga id's.
Nakakatawa pala, lalo na pag binalikan mo ang kwento nito.
At naging kwento ng buhay mo sa paaralang iyon.

Noong umalis ka,
inalis mo rin ba ang natutunan mo
o bitbit mo ito hanggang ngayon?

Tuesday, April 13, 2010

sino ang iboboto mo?

Anong kulay ang bitbit mo?
Ano ang mahalaga sa'yo?
Narinig mo na ba o nabasa ang plataporma nila?

Ano ba ang nais mo sa bansa?
Ano ba ang tingin mo dito?
Nasaan tayo?

Marami ang sumisigaw ng pagbabago?
Isaalang-alang mo kung may kakayahan nga sila.
Huwag pabigla-bigla.

Ano ang kailangan ng bansa?
Kaunlaran?
Pagkilala ng mundo?
o dignidad?

Monday, April 12, 2010

Best Friend

Siya ang angel mo.

Sunday, April 11, 2010

Tomas

Ikaw ba si Tomas?
kailangan mo pa bang makita upang maniwala?
Naniniwala ka ba dahil nakikita mo o naniniwala ka dahil nararamdaman mo?

Kung sakaling ang nakikita mo lang ay puro kahirapan, lunos ng sakit at walang hanggang paghihirap, maniwala ka sa magandang bukas maging ito ay hindi maabot ng tanaw upang makalaya ka sa pinanggagalingan mo.
Hindi mo man nakikita ang bukas, maniwala ka na darating ito.

Saturday, April 10, 2010

Share your blessings!

Kung may konti ka ngayon
huwag mong ipagkait
maaaring dumami yan
depende kung hanggang saan at gaano karami
ang handa mong ibigay.
Dahil ang kaunting biyayang iyan
ay hindi binigay sayo para ubusin
kundi para paramihin
sa pamamagitan ng pagbabahagi.
Huwag kang mangamba at magduda sa kabutihan ng Diyos.
Manalig ka.

Friday, April 9, 2010

Kagitingan

Malaya ka ngayon.
Hindi kahapon,
hindi noong nakaraang malayong panahon
at maaaring hindi bukas.

Malaya ka ngayon
dahil sa kagitingan ng mga ninuno mo
dahil sa dugo nilang binuwis
dahil sa tapang at pag-aasam ng kalayaan

Malaya ka ngayon
hanggang kailan
kung mananatili kang bulag at walang pakiramdam
kung wala kang pakialam sa lipunan?

Thursday, April 8, 2010

sabaw

Masarap kumain kung may sabaw. Tinutulungan nitong hindi mabigla ang bituka. Sinasamahan nito ang pagkain na dahan-dahang madurog. Tinutulungan nitong ganahan tayo sa pagkain.
Hindi kumpleto ang pagkain ko nang walang sabaw.

Sabaw, sabaw, sabaw!

Minsan hinahalintulad ang pag-iisip na sabaw. Kung wala kang masabing tama, kung tuliro o kung hindi ka makapag-isip. Dahil siguro hindi kumpleto ang pagkain kung sabaw lang.
Hindi kumpleto ang pagkain kung walang sabaw. Hindi rin naman maaaring kumain palagi ng sabaw lang.

Ganyan ang buhay, may magpapasaya sa'yo pero hindi nakadepende dito ang kaligayahan mo.

Wednesday, April 7, 2010

drink alcohol

Minsan kailangan ng katawan ng alkohol. Bonding at pagrefresh ng ating mga unti-unting nasisirang samahan dahil sa stress at pagod. Siguro dahil inilalabas ng alkohol ang totoo nating nararamdaman, ang kabutihan para sa isa't-isa. Hindi ba't alkohol din ang ginamit ni Kristo bilang inumin sa huling hapunan?
Gayunman, drink moderately, just be happy.

Tuesday, April 6, 2010

kurtina

Anong gamit mong kurtina? Anong disenyo? Anong kulay?
Sa akin, hindi mahalaga kung ano ang itsura nito, ang mahalaga, naikukubli nito kung anong meron sa loob. Nahaharangan niya ang liwanag sakaling gusto ko ng madramang ilaw ng kwarto ko.

Monday, April 5, 2010

Dance to death

Kung masaya ka, ipakita mo. Huwag kang mahiya, huwag kang mag alangan. Ialabas mo ang nararamdaman mo, ang kasiyahan sa puso mo. You deserve that happiness so dapat lang na ilabas mo.

Sunday, April 4, 2010

Umagang Kay Ganda

Damhin mo ang tagumpay mula sa paghihirap, sakit at mabigat na pagsubok. Gumising ka, tuyo na ang luha, bumangon ka at hagkan ang bagong umaga. Hindi laging kalungkutan, hindi puro suliranin, ang lahat ng yaon ay patungo sa umagang kay ganda.

Saturday, April 3, 2010

waiting in vain

Matapos ang mahabang kalungkutan, naiipit ka sa isang araw o panahon ng kawalang katiyakan. Maghihintay ka at aasa sa napakaraming sana.

Sana bumalik siya, sana hindi nangyari yun, sana magtagumpay siya, sana ako na lang at marami pa.
Gayunman, lagi namang may umagang naghihintay. Gaya ng bukas.

Friday, April 2, 2010

Balabal

Ang katawan mong pagod at bugbog ay kayang hilumin ng isang balabal. Hindi ito takip ng iyong pagkatao, ni hindi nito kayang magbigay ng init pananggalang sa lamig ng gabi subalit kaya nitong pahirin ang iyong luha at sabihing bukas ay babangon ka.Kaya ng balabal na ibangon ang iyong pagkatao, kaya nitong samahan ka kung iwan ka na ng lahat.

Wednesday, March 31, 2010

Red Carpet

Nakalakad ka na ba sa red carpet? Hindi pa? Gusto mo ba? Nakakatakot? nakakakaba ba? Sikat lang daw ang naglalakad sa red carpet, yung may sinabi sa buhay, may nagawang maganda, yun bang may ginawang dapat pahalagahan.
Red Carpet din kaya ang daan patungo sa langit? Parang hindi, parang mabato, makitid, pasikut-sikot at parang nakakapagod.
Gayunman, hindi naman mahalaga ang nilakaran mo, sa huli ang mahalaga ay ang natamo mo - ang Langit,

Tuesday, March 30, 2010

Facebook

Hindi ito tungkol sa mukha, ito ay tungkol sa buhay ng mga kakilala mo. Kung nasaan sila at ano ang ginagawa nila.
Gayunman, hindi nito kayang ibigay ang buong detalye sa buhay ng kasama mo, kung ano lang ang nais niyang ilagay at ibahagi.
Kung gusto mo siyang makilala ng lubusan, kausapin mo pa rin siya, kailangan mo pa ring ibalik ang samahan, makibalita.
Dahil hindi nito nasusukat ang totoong laman ng kanyang buhay.

Sunday, March 28, 2010

Palm Sunday

Hindi lahat ng pumupuri sa'yo ay gusto ka. May mga pumupuri sa'yo para lang sumabay sa alon, subaybayan ka at alamin nagkahinaan mo. Gayunman, kung sakaling purihin ka, huwag mong pagdudahan, tanggapin mo na lang ng buong puso at isiping ito inspirasyon para makarating sa tatahakin mo.

Saturday, March 27, 2010

Bato balani

May  mga wonders ang mundo! Isa na ata sa mga nagpamangha sa akin ay ang magnet. Kung paanong dumidikit ang  bakal sa isa't-isa. Noong bata ako, naroong naglalagay ako ng papel sa pgitan ng magnet at bakal, o kaya naman ay tela, minsan sa kahoy. Hinahanap ko kung hanggang saan at gaano kakapal pwede maglagay ng harang para malaman kung gaano kalakas ang magnet.
May kasa-kasama akong magnet dati, hawak-hawak ko palagi. Ipinagyayabang ko pa nga. Hanggang sa isang makulit na araw, inilagay ko sa riles ang magnet, iniisip kong didikit ito sa gulong na bakal, subalit dinurog ng makapal na gulong ng train ang aking magnet.Napalitan ang mangha ko ng pagkagulat.
Isang araw iyon na kailanman ay hindi mawala sa alaala ko.

Friday, March 26, 2010

Election Campaign

Simula na ng election campaign kaya pumasok ng  maaga dahil traffic sa haba ng motorcade nila. Maaari ring samantalahin ito sa pamamagitan ng pagkilala sa inyong mga kandidato. Alalahanin na hindi lang ang presidente, Bise at senador ang nagpapatakbo ng bansa, mas higit na importanteng maboto mo ng tama ang mga konsehal, alkalde at congressman dahil sila ang direktang mamamahala ng inyong bayan.

Thursday, March 25, 2010

healthy Food

Trillion dollar business ang health product. Pano kasi, ang daming tao ngayon -conscious. Pati media, puno ng mga healthy products.
Very visual ang market, appearance value. Dapat maganda, gwapo at sexy.
Lahat ng ito binebenta para sa image.
Pero ni isa, walang produkto para sa kalusugan ng ugali, ng ispiritualidad.

Wednesday, March 24, 2010

customer is always right (if cash term)

Oo na, tama ka na. Ikaw na lang ang laging tama dahil sabi mo kliyente ka. Pero siguraduhin mong fully paid ka at wala kang default. Adik. Nakapanggigigil ng laman!

Tuesday, March 23, 2010

Panaginip

Masarap managinip, madalas gabay ko to sa bawat araw. Para sa akin, healthy ang panaginip. Sa paggising, una kong inaalala kung ano ang napanaginipan ko.

Natatandaan mo ba kung ano ang napanaginipan mo kanina?

Monday, March 22, 2010

Toy Story

Anong laruan ang natatandaan mo na naging importante sa yo? Bakit? Ano ang kwento nito?

Sunday, March 21, 2010

Pansit

Pampahaba daw ng buhay ang pansit. Lets enjoy life. Let's eat pancit :)

Saturday, March 20, 2010

Name that thing

May mga bagay na sa sobranghalaga sa iyo ay binibigyan mo ng pangalan. Noong una ay hindi ko maintindihan kung bakit nila ito ginagawa. Pero nang minsang bigyan ako ng ballpen na hindi ko inaasahan at sobrang nagustuhan ko ay binigyan ko ito ng pangalan.
Narealize kong mas mapapahalagahan at maiingatan mo pala ang mga bagay na binibigyan ng pangalan. Kasi kapag binigyan mo ng pangalan, ibig sabihin ay sa'yo o nagmula sa iyo. Mahalaga sa iyo.

Friday, March 19, 2010

Weekend People

Kasali ka ba sa mga taong naglolong ng Friday Saturday at Sunday?
Yun tipo bang Lunes pa lang ay napapabungtung hininga na at nagsasabing sana ay Biyernes na?
Kung oo, isa ka sa maagang tatanda.

Oo, maagang tumatanda ang mga taong  nag-aabang ng Biyernes.
Dahil, hindi nila naeenjoy ang Lunes hanggang Huwebes dahil ang tingin nila dito ay araw lang ng trabaho.
Kailangan mong ienjoy ang lahat ng araw, hindi lang ang weekend. Everyday kailangan mo ng happy cell.
Seize the moment. Dapat masaya ka ngayon, huwag mong planuhin na sumaya sa ibang araw - dapat ngayon!

Thursday, March 18, 2010

Keyboard

Kung part ka ng keyboard, anong character ka?
Ako siguro shift para useful, pinipindot para sa iba pang gamit ng keys.
Ikaw ano ka?

Wednesday, March 17, 2010

tocilog

Ang breakfast natin, laging nakacombo; tapsilog, losilog, hotsilog, chickslog at kung anu-ano pa.
Madalas kasama ang sinangag at itlog, pipili ka lang ng kasama nito.
Hindi ba minsan, kahit maraming kombinasyon, nakakasawa na.
Bukas, gusto ko magcarbonara sa umaga.
Ayoko muna ng combo.
Dahil hindi naman kinakailangan na sila palagi.
Ang combo kasi, minsan sa halip na choice ang biniibigay, para kang tinatali.
Anong breakfast mo ngayon?

Tuesday, March 16, 2010

ChatRules

Pag pumasok ka sa chatroom, may mababsa kang chat room. eto yung mga bagay na pwede nyong pag-usapan, nakasulat din dito yung mga salita na pwede mo lang gamitin para hindi makapanakit ng iba o makaoffend.
Sa chatroom, iba't-ibang tao ang makakausap mo. Galing sa iba't-ibang lugar at iba't-ibang pinanggalingan. Kaya siguro may iba't-ibang ugali. Pagnagkamali  ka o may nagreklamo sa yo, pwede kang ma-ban.
Kung tutuusin, hindi naman talaga kailangan ng rules dahil dapat, kahit sino ang kausap mo, maingat ka sa pagsasalita o kaya naman kung alam mong  mahina ka at hindi ka sanay sa ibang tao, piliin mong wag nang magsalita o makipag-usap.
At dahil hindi palagi ay mapipili mo ang taong makakasalamuha mo, importante na piliin mo lamang ang sasabihin mo.

Monday, March 15, 2010

Start Now!

Kaya nilagyan ng Lunes ay para paalalahanan ka na laging may simula, na ang Linggo ay nagtapos na at pwede ka nang magsimula ulit.

Sunday, March 14, 2010

Scrapbook

Nasa sayo naman yun kung pipiliin mong maging masaya o malungkot, kung papahalagahan mo ang isang bagay o hindi.
Pwede mong piliing maging maligaya.
At may mga bagay na hindi naman sadyang mahalaga pero pwede mong mapakinabangan.

Saturday, March 13, 2010

Alitaptap

Kahit anong dilim ng gabi, sa pagtingala mo ay may munting liwanag.
Kung wala naman ang buwan at mga tala
asahan mong sasamahan ka ng mga bitwin sa lupa
Ito ang mga alitaptap.
Mga munting nilalang na nagpapaalala
na walang totoong gabi dahil laging may liwanag.

Friday, March 12, 2010

match tayo

Ang kutsara may tinidor, ang araw may buwan, ang unan may kumot, ang lapis may papel, lahat sila may kapares.

Lagi mong maririnig na hindi hinahanap ang kapares, kusang darating ito sa hindi inaasahang araw.

Ibig sabihin pala, ang puso mong laging umaasa ay mauuwi lang sa wala. Huwag kang umaasa kasi hindi darating.

Gaya ng pag-asa mo noong bata ka pa na darating si Santa, o pag-asang matatanggap mo ang pinakagusto mong regalo, o mapapansin ka ng crush mo.

Alam kong mahirap turuan ang puso na huwag umasa, ang kaya mo lang gawin ay sabihan siya na pumikat ka, puso pumikit ka at sa pagdilat ng iyong mata ay nasa harap mo na siya.

Thursday, March 11, 2010

Greatest Disappointment

Minsan magigising ka at mauuntog at marerealize mo na ito na ang greatest disappointment mo sa buhay.
So ano ang gagawin mo?
Matulog ka ng 10 hours. Paggising mo, okay ka na.
Makangingiti ka na.
Promise, effective yan.

Wednesday, March 10, 2010

Women's Month

The world is about creation.
Paglikha.
Kaya siguro tinawag na mother nature or mother earth.
Kung nasa lalaki ang tapang, nasa babae naman ang kapangyarihan.

Tuesday, March 9, 2010

Warning Signs

Importante na marunong kang tumingon at umunawa sa mga kilos ng tao.
Huwagk ang  masyadong magsasalita, instead isipin mo kung ano ang posibleng maging resulta ng sasabihin mo.
Medyo sensitive ang mga tao ngayon.
Kung sakali naman na may masabi ka at napansin mong may naapektuhan, magpaliwanag ka agad bago pa ito lumaki.
Matuto ng Crisis Management.

Monday, March 8, 2010

Dollars!!!

Swerteng nakakuha ako ng crumpled dollar sa isang pantalon na nabili ko sa ukay-ukay. Akala ko noong una e' papel lang na nilamukot, pera pala.

Nung binuksan ko, hindi pa naman siya durog kahit na medyo madumi na yung pera, syempre ba naman, kung saan-saan na siguro ito nakarating. Baka naisama pa sa relief, siguro nalabhan na rin to at naisilid ang pantalon sa sako-sakong lumang mga damit.

Anuman ang dinaanan ng perang ito, dollar pa rin siya, mataas ang value - may halaga.

Naiisip ko rin, ganun din naman ang tao di ba?

Anuman ang pinagdaanan, nagkasira-sira ang buhay at halos umikot-ikot sa gulong ng palad, sa dulo - may halaga pa rin siya.

Sunday, March 7, 2010

Dinner Table

May isang activity na ginawa namin noon.
Kailangan mo idrawing ang dinner table nyo. Isulat mo ang pangalan ng mga kasama mo sa dinner table gaya ng magulang, kapatid, anak at iba pang kasama mong kumakain.

1. Sino sa kanila ang pinakakasundo mo at sino ang ayaw mong katabi o hindi mo madalas kausapin.
2. Ano ang madalas nyong pag-usapan.
3. Sinu-sino ang isinulat mo, ipakilalam o sila

Tapos tatanungin ka, kung ano ang mararamdaman mo kung:
1. May umupo sa pwesto mo.
2. May nawala sa isa sa mga kasama mong kumakain.
3. Nawala ang pinakakasundo mo
3. May ibang pumalit sa pwesto ng mahal mo gaya ng ina o ama.

Simple lang ang activity na ito pero malalim ang paghuhugutan ng kwento.
Subukan mo ngang iguhit ang dinner table nyo at alamin kung ano nga ba ang sitwasyon nyo sa pamilya.

Saturday, March 6, 2010

Passport

May passport ka na ba? Kung wala pa, ihanda mona nag mga requirements at kung meron naman, hanapin mo, baka kailanganin mo bigla.

Friday, March 5, 2010

Sountrack of your life

Familiar ka ba sa The Feather? Ito yung soundtrack na ginamit sa Forrest Gump. Minsan kapag nakaupo, nag-iisip, pakiramdam ko tumutugtog to.

Kapag tumatakbo naman ako, parang naririnig ko ang soundtrack na Chariot of Fire ng Vangelis.

Kapag pagod na ako pero tinutuloy ko pa rin ang ginagawa ko dahil sa goal ko kahit halos sumuko na ako, ang Conquest of Paradise ng Vangelis ang pinakikinggan ko.

Kapag nagrereflect naman, naririnig ko ang watermark ni Enya.

Kapag nagsusulat naman ako, o napipilitang magsulat at napipilitan sa mga ginagawa ko, gustong-gusto kong pakinggan ang reflection of passion ni Yanni.

Ito ang mga music na umaabot sa kaluluwa ko. Nagpapalabas ng energy ko. Nakakaintindi sa akin.

Ikaw, ano ang soundtrack ng buhay mo?

Thursday, March 4, 2010

Bus Ride

Kung gusto kong mag-isip-isip at makapagsulat, sumasakay ako ng bus. Sa dami  ng nakikita ko, agad na lumilipad ang isip, ang daming topic na pwedeng isulat. Halu-halonng emosyon ang nararamdaman ko.

Pag sumakay ka ng bus, para kang pumasok sa isang sinehan. Nakatanghod ka, nag-iisip, nag rereact at naaapektuhan.

Minsan kailangan mong tingnan ang ibang tao at maramdaman ang nararamdaman nila kahit mo man ito nararanasan.

Wednesday, March 3, 2010

Graduation Month

Natatandaan mo ba ang feeling kapag graduation?
Siguro kung nagtatrabaho ka na, hindi mo na maalala, pero dati, ito yung pinakamasarap na pakiramdam.
Syempre ang haba ng panahong ginugol mo sa pag-aaral. Naranasan mo maulanan, lumusong sa baha, lagnatin, magpuyat at talaga namang tyinaga mo makatapos ka lang.

Ngayong tapos ka na? kailan ka huling nagbigay ng ganito klaseng dedication? O kampanteka na kasi tapos ka na?

Tuesday, March 2, 2010

Famous Story Character

Laging kong iniisip na  ako si Little Prince - o ang bida sa The Little Prince na novel ni Antoine de Saint Exupery. Hindi ko alam kung anong meron sa nobelang ito at pinagdudugtong niya ang kwento ko.

Ikaw, sino ka sa mga kwentong nabasa mo?

Monday, March 1, 2010

Disaster Preparedness

Ready ka na ba?

Be sure na na may flashlight, fully charged ang battery at may stock ng food.

Ganun din, siguraduhing may extra mobile phone sa sasakyan mo, fully charged battery at may mga names na nasa phonebook.

Isulat na ang mga emergency numbers malapit sa phone o sa mobilephone mo.
Reviewin ang fire exit ng building na pinagtatrabahuhan mo.

Turuan ang mga kasambahay kung ano ang gagawin sakaling may kalamidad o sakuna.


Gayundin, syempre, pinakaimportante sa lahat. Dont Panic.

Sunday, February 28, 2010

Sunday Fashion

Kaya mo bang magsuot ng dilaw or lavander na sapatos?

Linggo ngayon, try mo lumabas ng unique ang porma. Something loud, something different.

Magmismatch ka pero dapat may arive pa rin. Minsan lang 'to.

Saturday, February 27, 2010

Humpty Dumpty - Nursery Rhyme

Alam mo ba yung Humpty Dumpty na nursery ryhme?

Sige nga, i recite mo.

Naintindihan mo ba ang message nun?

Balikan mo. May madidiscover ka - hint.... something spiritual.

Friday, February 26, 2010

Ballpen

Kelan ka huling naubusan ng ink ng ballpen o madalas ay naiwawala mo lang ito bago mo pa maubos?

Sayang ang pera, konting ingat naman diyan.

For some, nabubuhay sila gamit ang pen. Yumayaman sa pamamagitan lang ng pagpirma, kumikita sa pagsusulat at nabebenta pati tao o mga properties dahil sa pen. Powerful yan, gamitin mo lang ng tama.

Thursday, February 25, 2010

Brownout

Brownout kagabi at umaga na nagkailaw. Dahil walang battery ang laptop, nagclose din ang ginagawa ko. Kaninang umagaa paggising ko at pagpasok sa opisina, syempre tumugtog agad ang youtube na pinakikinggan ko kagabi.

Sana pwedeng ganun palagi. Balikan ang mga hindi natapos at sundan na lang kung saan ito naiwan.

Kung may mga unfinished business ka, siguradong mumultuhin ka nito bukas, kaya nga ngayon palang ay tapusin mo na. Huwag mong iwang nakatiwangwang.

Wednesday, February 24, 2010

History Book

Alam mo ba ang kwento  ng city nyo?

Madalas gabi ka na umuuwi at hindi mo na nasisilayan ang bayan mo. Halos hindi ka na dyan nakatira. HIndi mo na siya kilala.

check mo sa website para may idea ka kung ano ang bago sa bayan nyo. Kung wala pa siyang website, punta ka ng munisipyo or city library at makipagkwentuhan sa librarian..

Tuesday, February 23, 2010

Astroboy

Nung bata ako, ang paborito kong hero ay si astroboy! BUkod yun kina Mask Rider Back, Shaider, Bioman at Maskman.
Actually nung naging pelikula siya recently, pinanood ko pa rin siya.
Masarap yung may pinaniniwalaang hero. Iniisip ko noon, kaya ko ring lumipad, kaya kong magkaroon ng energy, kayang umapoy ng kamay ko at kaya kong makapunta sa iba't-ibang lugar gamit lamang ang konsentrasyon at malalim na pag-iisip.
Dahil naniwala ako sa mga childhood hero na ito, nakuha ko nga ang mga katangiang iyon - figuratively.

Ikaw, sino ang paborito mong hero?

Monday, February 22, 2010

El Nino

Seryoso ang tagtuyot, seryoso ang El Nino.

Elementary ako nung una ko itong narinig at ngayon nga ay nagkakatotoo na ang kalamidad na ito.

Last year naman, nagimbal tayo sa baha na sinapit natin. Lahat ito may kinalaman sa mga kilos natin tungkol kalikasan, sa pag-uugali natin.

Nalilimutan natin na malaki ang pananagutan natin sa kalikasan, na dapat ay kasama ang kalikasan sa ating kilos at gawi. Kung ito ba ay makakatulong o makakaapekto dahil ng atayo ay bahagi lamang ng kalikasan at anuman ang gawin natin dito ay maaaring bumalik sa atin.

Ano ang isang bagay na pwede mong gawin para sa kalikasan ngayon?

Saturday, February 20, 2010

Wash day

Gaya ng paglalaba, ang araw na ito ay paglilinis ng kaluluwa.

Nitong mga nakaraang araw, anong mantsa ang kumapit sa iyo? Paano mo ito nilinis o lilinisin?

Friday, February 19, 2010

Read a Book

Sabado naman.

Pili ka ng isang libro at basahin mo. Mas maganda kung matatapos mo ngayon araw. Siguro akong marami kang libro dyan na hindi mo nababasa pa.

Batang Margarine

Laking Star Margarine ka ba?

Naniwala ka rin na hanggang 16 years old lang ang pagtangkad. Kaya panay pahid mo ng star margarine sa kanin.

Ano nga ba ang dahilan kung bakit gustong-gusto nating tumangkad?

Mas madali daw makakuha ng trabaho, mas madaling makapipili ng mapapangasawa, at matalino daw.

Kulang ka man sa height o sobrang tangkad mo man, hindi pa rin yan ang sukatan ng pagkatao.

Ang boss ko, hindi naman katangkaran pero astig. Not to mention na cute siya. hehehe

Thursday, February 18, 2010

Revive your old talent

Nung bata ka for sure, may mga interesting things na nagagawa mo na tanging ikaw lang ang nakakagawa nun. Halimbawa, kaya mong mag bending (yun bang nababali mo yung katawan mo), kaya mong pagalawin ang tenga mo, magrecite ng preamble in 15 seconds, at marami pang kakaibang talent.

Ano nangyari sa mga yun?

Balikan mo ulit at kasama nito ang pagbaliktanaw sa kabataan mo :)

Wednesday, February 17, 2010

Pass the message

Its a beautiful day.

Isipin mo na magiging maganda ang araw mo. Ngumiti ka. Hawakan mo ang puso mo, pakiramdaman mo ang kaligayang iyan at saka mo ipasa sa iba sa pamamagitan ng paghawak sa kanilang kamay, sa pagdampi sa kanilang balikat at pagyakap sa mga taong importante sa'yo. Ipasa mo ang kaligayahan ng iyong puso.

Tuesday, February 16, 2010

Bituing Walang Ningning

Tumingala ka sa ulap ngayong gabi,  pagmasdan mo ang malamlam na dagat ng mga bitwin. Hindi lang ikaw ang nakatanaw dyan sa mga oras na ito, mangilan-ngilan kayo na nagbabakasakaling may mahanap sa bungkos ng mga tala.

Bantayan mo ang bawat pagkisot ng mga tala, pakinggan mo ang kanilang kampana.

Monday, February 15, 2010

Bills Payment

Pangalawang Bagong Taon sa taong ito, handa ka na ba?

Hindi madali ang pera sa taong ito, kailangang pagsikapan, kung sakaling matukoy mo naman ang pinagmumulan ng pera, dadagsa ito sa iyong pintuan.

Kaya nga, simulan ang pagbubungkal ng pinagmulan ng pera at iwasang gumastos ng hindi naman talaga kinakailangan.

Ayusin din ang mga bayarin. Sikaping mapunuan lahat ngayong taon.

Sunday, February 14, 2010

Heart's Year

Kung hei Fat Choi na Valentines Day pa.

Swerte ang araw na ito sa lahat.

Akalain mong wala ka mang karelationship, may reason pa rin to celebrate!

Bagong taon na!

Ngayong taon, mahalin lahat dahil ito ang mensahe ng Chinese New Year.

Para maiba, bukod sa chocolates and roses, bigyan mo rin ang magulang ng mahal mo dahil kundi dahil sa kanila, hindi momakikilala ang sinisinta mo ngayon.

O' pano, hanggang dito muna at makikipagdate pa ko.

Happy Valentines!

Friday, February 12, 2010

Dead Cells

Dahil dumaan ang napakahabang linggo, pagkakataon naman para tingnan ang sarili at alagaan. Maghilod ka ngayong araw na ito! Buong linggo kang nagmamadali at halos nga hindi na naabot ng sabon ang ilang bahagi ng katawan mo. Bumawi ka naman ngayon bago pa mangapal yan at tubuan ng patatas.

Thursday, February 11, 2010

komiks

Bawal sa bahay namin ang game and watch noong araw, gayundin ang komiks. Pero paminsan-minsan, kapag wala ang tatay ko, nakakarenta kami ng komiks. Nirerentahan kasi ang komiks noon, pwedeng oras at pwedeng overnight. Kailangan mo rin siyang isauli sa takdang oras kung hindi ay magmumulta ka - dagdag bayad.

Bukod sa A-Ba-Ka-Da na kulay dilaw, mas madali akong natutong magbasa dahil sa komiks. Madali kasing sundan, madali ang mga salitang ginagamit at baybay, hindi rin malalim ang salita at payak dahil kailangang gumamit ng salita na simple para mapagkasya sa mga speech balloon. Gayundin, naiintindihan ang salita dahil sa larawan.

Marami sa komiks na ito ay tapusan, kung meron mang hindi, mabilis dinnaman natatapos.

Kahit simple ang komiks, may arrive! Tumatama, nakakikirot ng damdamin.

Iniisip ko minsan, sana pwedeng gaya ng komiks, hindi masalimuot ang  buhay. Simple lang, hindi kailangan palalain ng soap opera!

Tapusan ang bawat kwento para madaling makapagmove forward sa isang bagong kwento ng buhay mo.

Ikaw anong kwento  ng buhay mo? komiks o mala soap opera?

eleksyon 2010

Nagsimula na ang kampanya. May iboboto ka na ba?

Sino ba ang mga pipiliin mong mauupo sa pwesto?

Maupo?

oo, maupo sa pwesto.

Naisip mo ba kung bakit nauuwi  ang marami sa kanila sa pangungurakot?

Kasi masarap ang makaupo sa pwesto.

Upo = Pwesto.

Hindi ka nauupo dahil lang sa gusto mong maupo. Nauupo ka dahil gusto mong makapagpahinga, nakakapagod kasi tumayo. Ang upuan ay katumbas ng comfort.

Kung titingnan, ang mga congressman, nakaupo kung magtrabaho. Ang mga senador, gayundin. Kahit ang mga gabinete at ang pangulo, nakaupo sila habang pinagpaplanuhan ang bansa.

Marami tuloy sa mga pangkaraniwang mamamayan na buong hapong nakatayo at kumakayod sa trabaho ang nangangarap na minsan makaranas ng ginahawa o minsan ay makaupo sa gayong pwesto. Dahil ang posisyon ay katumbas ng naghihintay na upuan upang guminhawa ang buhay mo.

Katumbas ba talaga ng pwesto ang kapangyarihan at kayamanan?

Kung mabibigyan ka ng pagkakataong makaupo, anong paksa ang nais mong pag-usapan? Ano ang tatapusin mong trabaho?

Wednesday, February 10, 2010

Hello!

May iba't-ibang klas eng Hello! Mapapansin mo yan sa tono. May inaantok, may excited, may patanong, may pakutya, may pagbati at marami pang iba.

Isang salita lang pero may iba't-ibang damdamin.
Gusto mo subukan?

I-dial mo ang phone. Kahit anong  number lang. Kahit wrong number.

Pakinggan mo ang sagot nila. Pakinggan mo kung paano sila mag he-Hello.

Hinanap ko ang pinanggalingan ng salitang  Hello at ang ibig sabihin pala nito ay Stop, Cease o kaya naman ay panghatak ng atensyon.

Ilan kaya sa mga kasama mo o kaibigan mo ang kailangan mo ng batiin ng hello?
Yung huling binati ko ng hello, yumakap sa kin at humagulgol ng iyak. Dahil lang sa isang Hello.

Practice nga, kailangan makabati ka ng limang tao ngayon. pwedeng tawag at pwede ring personal. Ipaabot mo ang iyong hello.

Tuesday, February 9, 2010

Gising!

Madalas akong bangungutin, sa sobrang kalikutan at pagagala ko ay napapadpad ako kahit sa kabilang buhay. Kaninang umaga lang, nakailangang ulit akong makipaglaban sa pisikal na katawan para bumangon at bumalik.

Naiisip ko lang, kung lumulutang ako sa kabilang daigdig at nakararating sa  gusto ko, bakit kailangan ko pang  bumalik?

Worth ba talagang balikan ang buhay? O naging makabuluhan ba ang buhay ko dito sakaling bigla akong magpaalam?

Quiet moment muna. Pag-isipan mo rin. Kung meron kang isang araw para lumisan sa daigdig, handa ka ba? Ano ang una mong gagawin?

Monday, February 8, 2010

Its your time to shine!

Wala kang magagwa kundi pumasok. Wala nang marami pang dahilan. Kahit ano pa ang dahilan mo, sumasakit man ang katawan mo, inaantok, parang nilalagnat, pare-pareho yan... sintomas na tinatamad ka na naman.
Anong pwede mo ng gawin bukod sa pag exercise... think new, add new.
Mag-isip ka ng bago ngayon na ibabahagi mo sa kanila, pag-aralan mun abago ito sabihin  pagkatapos ay saka ibahagi. Tiyak na magugustuhan nila ito. Magiging bago itong bukambibig sa inyo. Hindi nila aakalain na ito ay bunga ng iyong katamaran.
So ano pa ang ginagawa mo ngayon, bangon na! Bida ka ngayon and dont miss that chance!

Sunday, February 7, 2010

VDAY!

Time check. Its exactly 7 days before valentines.
Para maiba, bakit hindi kaya parents nya ang padalhan mo ng bulaklak?
Pasalamat ka dahil kung hindi dahil sa kanila, hindi mo makikilala ang mahal di ba?
Isip ka na ng gimik para masurprise ang date mo. Consider mo ang sked nyo, time  and of course budget.
Pero syempre, hindi naman nakasalalay sa budget ang ikatutuwa ng date mo.
Just be creative.
Ano bang plano nyo this valentines day? Share naman kung pano magiging memorable ang araw na to?

Saturday, February 6, 2010

Poetry

Sumulat ng tula. Jologs ba? Pwede namang English.
Pwedeng walang rhyme, walang sukat. Ang mahalaga lumabas ang nasa puso mo. Ang tula kasi ay ang pagkakasundo ng isip at puso na pagpalit ng anyo, ng gawain. Sa tula, ang puso ang mag-iisip at ang isip ang magtitipa ng mga salita.
Masarap na exercise ang pagsulat ng tula. Hindi kasi ito ordinaryong gawain. Hindi ka tumutula araw-araw.
Binabago nito ang nakasanayan mo. Nagiging creative ka kasi naiiba ang routine ng isip at puso.
Nakapagsasalita ang puso sa pamamagitan ng tula. Inilalabas nito ang mensahe na hindi kayang sabihin ng isip.
Kaya ngayon, pakawalan mo ang sinasabi ng puso mo. Sumulat ka ng tula.
Go? write it here.

Friday, February 5, 2010

What’s within

Alam mo ba ibig sabihin ng alter ego? Ito daw yung itsura mo sa loob, yung inner self. Yung itsura mo pag nagagalit ka. Yung worst mo.
Subukan mong humarap sa salamin. Tignan mo yung pagitan ng dalawang mata mo. Titigan mo lang. Wag mong hayaang maduling ka. Basta tignan mo yung pagitan ng mata mo o yung skin before sa bridge ng nose mo.
Kung ano man ang nakita mo, pwede illusion, pwede dahil nadistort ang tingin mo.
Kung kinabahan ka, kung natakot e isa lang naman ang mensahe nun. Hindi maganda ang feeling kapag panget ka.
So dapat laging maganda ang pakiramdam.
Feel beautiful. Think that you are beautiful.  Kung ano ang tingin mo sa sarili mo, yun ka. Tandaan lang na mas madali kang gaganda kung maganda ang isip at ang loob mo. Everything good will follow.

Thursday, February 4, 2010

The truth about your teachers

Alam mo yung teacher mo o naging teacher mo, may kalandian yun. Maniwala ka. Ang daming kalokohan nun. Ika nga, nasa loob ang kulo.
Yung sir mo, manyakis yun, ingat ka dun. Di ba pag tumingin, humahagod mula ulo at hihinto doon sa alam mo na.
Alam mo, yung mga teachers mo, walang paki sayo. Generally, wala silang pakialam sayo.
Ang dami nyo para isipin pa nila isa-isa. At gaya mo, may sarili silang buhay. Alam mo ba kung ano ang kwento ng teacher mo, kung saan siya nakatira at kung ilan sila magkakapatid?
Hindi mo alam, ano naman ang paki mo dun di ba?
So ganun din yun.
‘Wag mong pakialaman ang buhay nila dahil hindi ka nila pinakikialamanan. My God, nagturo na nga siya at pinagtatyagaan kayo, iintrigahin nyo pa.
May sarili silang buhay. Ang mga tsismosa’t tsimoso ay yung mga boring ang buhay. Kaya naghahanap ng interesting sa ibang tao.
Hindi mo binili ang teacher mo. In fact, may utang ka sa kanya at hindi mo kailanman mababayaran yan hanggat hindi ka nagkakaanak at nagturo sa ibang tao.
Pag binati kayo ng teachers nyo na happy graduation, ibig sabihin nun, Thanks for the appreciation go on with your life. We’re happy that you’re leaving and please leave us alone. Bitch!

Wednesday, February 3, 2010

High Voltage Power

Nakuryente ka na ba?
Kelan ka unang na ground? Naalala ko dati, usong-uso yung bombilya na parang kandila, kulay pula yun na inilalagay sa altar. May kung anong pumasok sa isip ko at dinilaan ko ang dulo ng bumbilya. Iyon na ata ang pinaka malakas na kuryenteng pumasok sa katawan ko.
Pag tinanong kita kung kelan ka huling nakuryente, malamang ang naaalala mo ay yung bata ka. Iba kasi ang impact e.
Pero ngayon, madalas nararanasan mo yung makuryente pag nadikit ka sa kasama mo. Oooppps, hindi ito romantic or sexual. Eto yung nasangga mo yung kasama mo tapos bigla kayong nakuryente, madalas sa opisina.
Tapos sasabihin ngkasama mo kahit hindi niya naiintindihan; uy static ka.
Siguradong may explaination dyan ang science.
Pero basic yan : electricity is equal to energy. Maraming gamit ang energy
Lahat tayo may energy, we are more than machines, and we are more than computers.
Yun nga lang, kailangan mong matutunan kung paano at saan mo gagamitin ang energy na to.
You can give life, choose it.

Tuesday, February 2, 2010

Lets talk about diet

Kung kakain ka at may dalawang klase ng plato; isang bilog at isang square,ano ang pipiliin mo?
May epekto ba sa panlasa mo kung anong klaseng plato ang kinakainan mo?
Actually sa panlasa wala, pero sa appreciation sa food at overall satisfaction meron.
Totoong physiological thing ang gutom, pero madalas naaapektuhan ka ng isip mo.
Minsan naman busog ka na pero gusto mo pang kumain. Meron ding tinatawag na takaw-tingin.
More than physiological, its behavioral. Naapektuhan ang eating habits natin ng behavior natin.
Masarap kumain, okay lang na lumobo, maggygym ka na lang. Napagod ka pa at nagastusan ka pa tuloy.
Pagmaraming pagkain. Wala namang pumipigil sa yong kumain.  Tikman mo lahat. Take note. TIKMAN. Hindi lamunin.
Basic discipline yan. Kung ano ang madalas mong pinapasok mo sa bibig mo, magiging ganun ang katawan mo.
Sabi nga, ang sakit ay nagsisimula sa tyan.
Let’s drink to that!

Monday, February 1, 2010

You’re Different

Welcome to the month of kulang-kulang.
Isang buwan na inilaan para sa may mga sayad, kaya nga siguro arts month. Thespis month ika nga.
May tinatago ka bang talent? Ano yun? Share mo nga. Time to shine. I-youtube ang talent. Kung nahihiya ka, kahit walang mukha pero kung makapal ka, show it baby.
Pero kung wala kang talent, ilabas ang topak.
Anong isang bagay ang nagpapatopak sayo? Saan ka napipikon?
Or kung hindi topak, ano ang kakaiba sayo? Hindi talent, hindi topak pero interesting about you. Share it!

Sunday, January 31, 2010

Go and cross the bridge

Kilala mo si Janus? Dalawa ang mukha niya. Isang nakaharap sa likod at isa sa harap. Isang nakatingin sa nakaraan at isa sa hinaharap. Yan ang kwento ni January.
Binabalikan mo ang nakaraan pero siyempre kailangan mong mag move forward.
Isa lang ang kailangan  mong gawin to move forward. Start with One Step.
Dahil bukas Pebrero na.  Wala na si January. Opisyal nang hindi na bagong taon.
Nakamove-on na ang kalendaryo. Ikaw na lang ata ang hindi pa. Kung hindi ka magmomove on, hindi ka aabot sa valentines. Loser!

Saturday, January 30, 2010

Wanderer

Balloons, dirty ice cream, clown, magicians… ang sarap maging bata!
Lahat kasi bago, lahat iniisip mo kung paano nangyayari. Nakakamangha!
Yun naman talaga ang dahilan kung bakit masarap maging bata, naaappreciate natin yung maliliit na bagay na sa atin ngayon e walang saysay.
Kung may anak ka o pamangkin ka, habaan mo pasyensya mo. Minsan ka rin naging bata. Hayaan mong matuklasan niya ang ganda ng buhay. Hayaan mo siyang matuto. Huwag kang matakot kung masasaktan siya. Parte yun ng paglaki niya.
Don’t deprive her to learn on her own. Don’t feed her too much information, she doesn’t need that.
Akala mo lang natututo siya sa yo. The best time to teach her is when she asks questions. Yun ang gusto nilang malaman, yun ang mga bagay na nakakamangha sa kanila.
Kaya nga tayo, hirap nang matuto. Hindi na kasi tayo madaling mamangha. Talino mo kasi!

Friday, January 29, 2010

You are Beautiful

Kilala mo ba si Vice Ganda?
Nakakatawa siya.
Hindi naman dahil sa itsura niya, infact hindi siya gumagamit ng old joke, hindi slapstick, ang humor kasi niya laging base sa way of life. Sa buhay nating mga pinoy. Kaya nakakarelate tayo. Di ba nga, kilala tayong masayahin, tinatawanan na lang natin ang problema.
Friday ngayon. Magcomedy bar tayo!
Pero kung busy ka o kaya naman ay wala kang pera. Makipagbonding na lang at simulan ang no negative conversation. Puro masasaya lang ang pag-usapan. Iwan ang kasama o wag invite ang mga negatron, yung bitter, puro negative ang sinasabi. Erase, erase, erase. Masarap maging masaya!

Thursday, January 28, 2010

Your Story

Kelan ka huling nakatanggap ng sulat na may stamp? Nasanay ka na kasi sa email, kung may snail mail ka man, malamang e bill yan at tatak na ang nakalagay, wala ng stamp.
Siguro meron akong mga 10 bondpaper na punong puno ng stamp. Nakakatuwa kasi. Maliliit na papel pero may kwento. Nakadrawing doon ang mga tao, hayop, bulaklak o minsan mga events na mahalaga.
Ang stamp, isang art piece, isang history piece. Nabebenta ng mahal ang mga stamp, habang tumatagal kasi, tumataas ang value niya.
Ang stamp parang chapter ng buhay mo. Kwento ng isang araw mo.
Worth bang ilagay sa stamp ang bawat araw mo? Paano mo ba ginagamit ang oras? O baka isang Linggo lang ang lumipas ay limot mo, limot na ng mga kasama mo?
Tara, gawa tayo ng makabuluhang bagay para sa araw na ito.
Gaya ng paggawa ng bata! Joke. Masyado ng seryoso, ang OA na.

Wednesday, January 27, 2010

Hourglass

Miyerkules ngayon. Lahat abalang papasok. Kalagitnaan ng linggo. Nakatingin sa malayo. Subukan mong pagmasdan ang mukha ng mga taong naglalakad. Very busy di ba? Kala mo nasa new york! Para bang may hinahabol na oras. Parang may pwersa na pag ganitong oras kailangan pumunta sa ganitong lugar. Ang totoo, hawak sila ng oras, ikaw, hawak ka rin ba ng oras o hawak mo ang oras mo? Hanggang Kelan?
Ooopps, napapaisip. O siya, gawin mo muna yang ginagawa mo dahil im sure hindi mo hawak ang oras mo.

Tuesday, January 26, 2010

Think about Investment

Wag kang mag-alala, malapit na ang sweldo. Konting tiis na lang at makakagimik ka na naman. Or dahil bagong taon, instead na isipin mo ang pagkakagastusan, bakit hindi mo isipin kung ano ang kaya mong itago – oo, magsave ka naman ngayon. Kahit 10% lang ng sweldo mo. Para lumago ang pera, pwede kang magbangko, o kaya sumali sa coop, pwede rin sa group paluwagan sa opisina na ipinapautang ang pera niya para lumago naman ang pera nyo.

Monday, January 25, 2010

Yellow Day!

Birthday ni Cory Aquino. You don’t need to wear yellow. Balikan mo ang panahong Edsa Revolution? Bahay ka na ba noon? Nasaan ka? Kanino ka? Kung hindi pa, ano sa palagay mo ang magiging stand mo?
Peace loving daw si tita Cory, so siguro to celebrate her birthday, make peace. Ngitian mo naman yang kasakasama mo na lagi ka na lang iniirapan at sinisiraan sa ibang tao. For a change diba?

Sunday, January 24, 2010

Boboto ka ba?

Ano ang LSS mo o last song syndrome?  Eto ba?

nakaligo ka na ba sa dagat ng basura?nagpasko ka naba sa gitna ng kalsada yan ang tanong namin tunay ka bang isa sa amin malaman mo na ba mapapagaral ka nya tutulungan tayo para magkatrabaho at ang kanyang planoy magkabahay tayo si villar ang tunay na mahirap si villar tunay na may malasakit si villar ang may kakayahan at... gumawa ng sariling pangalan si manny villar ang magtatapos ng ating kahirapan....
amoy na amoy na ang eleksyon. Wag sayangin ang boto, pag-aralan mo na kung sino ba ang iboboto mo. Ano nga ba ang criteria mo sa pagboto? May nagawa sa bayan? May magandang reputasyon ang pamilya? Kababayan mo? Mukhang hindi  manloloko? Umasenso sa buhay kaya baka mapaunlad ang bayan? Ano nga ba ang dinidikta ng konsensya mo? Pera, pera pera o yung taong mag-aangat ng dignidad ng bayan?

Saturday, January 23, 2010

What’s in a name?

Alam mo ba ibig sabihin ng pangalan mo? Alam mo rin ba ang dahilan kung bakit yan ang ipinangalan sayo? Pinagmasdan mo ba kung anu-ano angnakasulat sa birth certificate mo? Ikwento mo nga..

Meron lang daw tayong isang pangalan. Minsan mahirap linisin ang pangalan, mahirap mabahiran pero alam mo ban a hindi ikaw ang pangalan mo? Ang pangalan mo ay hindi katumbas ng dignidad mo?

Pwede mong hindi malinis ang pangalan mo pero pwede mong maibangon ang dignidad mo.

Ano man ang kwento ng pangalan mo, welcome to the world!

Friday, January 22, 2010

Save money

Magsave ng pera. May bigla kang pagkakagastusan bago matapos ang linggo.

Thursday, January 21, 2010

It’s a date!

Eksaktong 3 linggo na lang at Valentines Day na. Magpabook na pero kung wala pang dyowa, bumuking – you know…. booking. Maghanap ng jojowain kung wala pa, kung meron na, pakabait ka muna. May oras ka pa. Go! Go! Go!

Wednesday, January 20, 2010

Do something.

Kapag hiwalay-hiwalay. Wag mo ng balikan pa. Masaya na siya. Moving on ang tema. Kung wala kang karelasyon, tumayo ka sa kinauupuan mo, magtrabaho ka naman. Kung estudyante ka, magrecite ka naman. Sayang ang matrikula mo.

Tuesday, January 19, 2010

Anong chismax?

Alam mo ba ang kwento ng kasamahan mo? Dyowa siya ng kasama mo rin dyan.  Pansinin mo ang tinginan nila. Secret lang ha, pero may milagro silang ginagawa. Guess who?!!!

Monday, January 18, 2010

Lucky Day!

Perfect 10! Magandang araw para gawin ang bagay na hirap kang gawin noon pa. Subukan mong gawin ngayon at magagawa mo.

Sunday, January 17, 2010

Redesign your room

For a change, ibahin mo ang ayos ng kwarto mo. Magpalit ng punda ng unan. Ng display at picture sa photoframe. Paint your room a new story.

Saturday, January 16, 2010

Number?

May nakaalala sayo. Old friend. Ipikit mo ang mata mo, kung sinong unang sumagi sa isip mo, siya yun.

Friday, January 15, 2010

Travel and discover

Mag-isip ka ng isang lugar na gusto mong puntahan within the year. I schedule mo na. Magandang petsa ngayon para iplano ang mga travel plan mo. I suggest, do it alone, travel alone. Discover places at the same time, discover yourself more.

Thursday, January 14, 2010

Check your inbox

Check mo naman ang inbox ng phone mo. Baka oras na para magdelete. Basahin mo rin isa-isa. Baka may mga concerns ka na nalimutan mo. I’m sure meron dyan na mahirap i erase. Idelete mo na. pakawalan mo na siya. Yun lang ang magpapalaya sayo. You’ll feel secured after, believe me, you’ll feel relieved.

Wednesday, January 13, 2010

Build your house

Kelan ka huling nag sketch ng bahay, try mo kayang magdrawing. Anong bahay ang gusto mong tirhan? Itago mo lang. ipost mo sa isang lugar na lagi mong nakikita. Unti-unti magkakakulay yan, mabubuo.

Tuesday, January 12, 2010

Check you mails

Linisin mo ang email mo. Wag mo ring kalimutang basahin ang mga nasa sent folder. Reminiscing. Tignan mo kung paano nito binago ang isang araw sa buhay mo.

Monday, January 11, 2010

Birthday Directory

Tanungin mo kung ano ang birthday ng mga kasamahaan mo. Isulat mo isa-isa. Sigurado, may matutuklasan ka.

Sunday, January 10, 2010

Feed your Soul

Basahin ang our daily bread. Maikli lang yan kaya basahin mo na rin yung whole week, siguradong hindi mo na naman mababasa yan dahil lagi kang nagmamadali at lagi kang late. Matapos magbasa, tumahimik sandali at isipin kung may natutunan ka. Pakiramdaman din kung may dating ba sa iyo ang kwento. Kung wala, mag insenso ka, masyado ng makapal ang kasamaan mo at namamanhid ka na.

Saturday, January 9, 2010

Run Tuna Run

Magluto ka ng dinner. Mag imbento ng bagong putahe gamit ang century tuna hot and spicy. Kapag nagawa mo yan ng tama, darating si Derek Ramsey. Masusurprise ka!

Friday, January 8, 2010

Meeting of stars

Nakatakda ang mga bitwin nyo ngayon, kailangan mo siyang makita, kung hindi, okay lang, meron ka pa naming lucky day next month. Relax.

Thursday, January 7, 2010

Unexpected Call

Makakatanggap ka ng tawag, huwag kang lilingon kasi sa telepono mangaggaling ang tawag. Huwag ka agad magpakilala, mga pinagkakautangan mo yan, buhay na naman sila. Singilan na.

Wednesday, January 6, 2010

Dress to Impress

Pag-isipang mabuti ang isusuot mo, dyan nakasalalay ang araw mo ngayon. Wear something yellow kung gusto mo na maging masaya, black kung gusto mong maging feeling sophisticated, Red kung gusto mong may arrive, blue kung gusto mong magpakalow profile at wear nothing kung gusto mong mag stand out!