Thursday, February 11, 2010

eleksyon 2010

Nagsimula na ang kampanya. May iboboto ka na ba?

Sino ba ang mga pipiliin mong mauupo sa pwesto?

Maupo?

oo, maupo sa pwesto.

Naisip mo ba kung bakit nauuwi  ang marami sa kanila sa pangungurakot?

Kasi masarap ang makaupo sa pwesto.

Upo = Pwesto.

Hindi ka nauupo dahil lang sa gusto mong maupo. Nauupo ka dahil gusto mong makapagpahinga, nakakapagod kasi tumayo. Ang upuan ay katumbas ng comfort.

Kung titingnan, ang mga congressman, nakaupo kung magtrabaho. Ang mga senador, gayundin. Kahit ang mga gabinete at ang pangulo, nakaupo sila habang pinagpaplanuhan ang bansa.

Marami tuloy sa mga pangkaraniwang mamamayan na buong hapong nakatayo at kumakayod sa trabaho ang nangangarap na minsan makaranas ng ginahawa o minsan ay makaupo sa gayong pwesto. Dahil ang posisyon ay katumbas ng naghihintay na upuan upang guminhawa ang buhay mo.

Katumbas ba talaga ng pwesto ang kapangyarihan at kayamanan?

Kung mabibigyan ka ng pagkakataong makaupo, anong paksa ang nais mong pag-usapan? Ano ang tatapusin mong trabaho?

1 comment:

  1. wow!!! oo nga noh. galing mo tlga! kaya pala ganun nlng kagulo ang pulitika noh. parang gusto rin tuloy maupo sa upuan na yan ah.hahahha! sana naman maisip nila kung san galing ung comfort na tinatamasa nila at gaano kadaming pawis at ugat ang lumalabas mula sa mga taong nakatayo at kumayod kapalit ng comfort ng mga nakaupo na yan noh. post mo nga sa forehead nila toh please!!!

    ReplyDelete