Thursday, February 11, 2010

komiks

Bawal sa bahay namin ang game and watch noong araw, gayundin ang komiks. Pero paminsan-minsan, kapag wala ang tatay ko, nakakarenta kami ng komiks. Nirerentahan kasi ang komiks noon, pwedeng oras at pwedeng overnight. Kailangan mo rin siyang isauli sa takdang oras kung hindi ay magmumulta ka - dagdag bayad.

Bukod sa A-Ba-Ka-Da na kulay dilaw, mas madali akong natutong magbasa dahil sa komiks. Madali kasing sundan, madali ang mga salitang ginagamit at baybay, hindi rin malalim ang salita at payak dahil kailangang gumamit ng salita na simple para mapagkasya sa mga speech balloon. Gayundin, naiintindihan ang salita dahil sa larawan.

Marami sa komiks na ito ay tapusan, kung meron mang hindi, mabilis dinnaman natatapos.

Kahit simple ang komiks, may arrive! Tumatama, nakakikirot ng damdamin.

Iniisip ko minsan, sana pwedeng gaya ng komiks, hindi masalimuot ang  buhay. Simple lang, hindi kailangan palalain ng soap opera!

Tapusan ang bawat kwento para madaling makapagmove forward sa isang bagong kwento ng buhay mo.

Ikaw anong kwento  ng buhay mo? komiks o mala soap opera?

No comments:

Post a Comment