Saturday, March 27, 2010

Bato balani

May  mga wonders ang mundo! Isa na ata sa mga nagpamangha sa akin ay ang magnet. Kung paanong dumidikit ang  bakal sa isa't-isa. Noong bata ako, naroong naglalagay ako ng papel sa pgitan ng magnet at bakal, o kaya naman ay tela, minsan sa kahoy. Hinahanap ko kung hanggang saan at gaano kakapal pwede maglagay ng harang para malaman kung gaano kalakas ang magnet.
May kasa-kasama akong magnet dati, hawak-hawak ko palagi. Ipinagyayabang ko pa nga. Hanggang sa isang makulit na araw, inilagay ko sa riles ang magnet, iniisip kong didikit ito sa gulong na bakal, subalit dinurog ng makapal na gulong ng train ang aking magnet.Napalitan ang mangha ko ng pagkagulat.
Isang araw iyon na kailanman ay hindi mawala sa alaala ko.

No comments:

Post a Comment